Nasugbu Church

Saint Francis Xavier Parish

Aral 1:  Ang Banal na Tatlong Persona ng Diyos

Catechism 202: We firmly believe and confess that there is only One true God, eternal, infinite, and unchangeable, incomprehensible, almighty, the Father, Son, and the Holy Spirit; three persons indeed, but one essence, substance, and nature. 

Kung ikaw ay tatanungin ng isang hindi Katoliko-Kristiyano tungkol sa Santisima Trinidad (Tatlong Persona Iisang Diyos), ano ang iyong isasagot kung bakit ang mga Katoliko ay naniniwala na ang Diyos ay iisa, kung ganoong ang Ama, Anak, at Espirito Santo ay tatlo? Kaya mo bang ipagtanggol sa pamamagitan ng Biblia ang ating pananampalataya?

Isa sa mga palatandaan kung ang isang relihiyon ay totoo ay kung kinikilala nila si Hesus bilang Diyos, ganun na din ang Espirito Santo. Ang pananampalataya sa Tatlong Persona ay hango sa Biblia, mula pa sa lumang tipan ng isulat sa Genesis na "likhain natin ang tao ayon sa Ating Kaanyuan." Ang Tatlong Persona ang naguusap dito. Ang Konsilo ng Nicea ay ang pagpupulong ng mga obispo noong unang panahon na nagpaliwanag sa Kristiyanong doctrina na ito. Karamihan sa mga kapatid nating hiwalay sa Simbahang Katolika ay naniniwala din sa Tatlong Persona Isang Diyos dahil ito nga naman ay nakasulat sa Biblia. Ngunit mayroon pa ring ilang mga relihiyon na "kristiyano" daw sila ngunit itinatakwil na si Kristo nga ay Diyos, ganun din ang Espirito Santo. Ayon sa kanila, si Kristo ay isang guro lamang.

Ayon sa Biblia, maraming mga mangangaral ay iwawala ng landas ang mga sumasampalataya. Isa na sa mga iyon ay ang mga relihiyon na sinasabing si Kristo daw ay hindi Diyos at ang Santisima Trinidad o Tatlong Persona daw ang imbento lang ng Simbahang Katoliko. Huwag mapabilang sa mga nawawala sa tunay na landas. Huwag itakwil si Kristo bilang Diyos na ikalawang Persona ng Santisima Trinidad.

Suriin ang Banal na Kasulatan. Bagamat hindi nakalakda ang salitang "Santisima Trinidad" sa Biblia, ito ay binigyang tukoy sa ilang mga talata.

"Hear, O Israel: the Lord our God is One Lord"  Deuteronomy 6:4 ang Diyos ay iisa.

"Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father, Son, and Holy Spirit" Matthew 28:19 ito ang dahilan kung bakit binibigyan natin ng kahalagahan ang pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Tanda ng Krus sa ating mga panalangin.

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God." John 1:1 Noong simula pa man ng mundo, naroon na ang Salita ng Diyos, at ang Salitang ayon ay kapiling ng Diyos, at ang Salita ay Diyos! Ang tinutukoy dito na Salita ng Diyos ay si Kristo na nagkatawang tao at nakapiling natin. Si Kristo ang Salita ng Diyos na Mismo ay Diyos.

"Thomas answered and said to him(Jesus), my Lord and my God!" John 20:28 Si Santo Tomas Apostol ay naniwala lang na si Kristo ay nabuhay noong hinipo ni Tomas ang mga sugat ng Panginoon. Doon niya binigkas kay Kristo na siya nga ang Panginoon at Diyos.

"Jesus, though he was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped." Philippians 2:6 Bagamat si Kristo ay nasa kaanyuan ng Diyos, hindi niya tinuring ang sarili na kapantay ng Diyos, bagkus siya ay nagpakababa tulad ng isang alila.

Malinaw ang Biblia at ang mga Konsilo ng mga obispo na tayo ay sumasampalataya sa Iisang Diyos, na may Tatlong Persona - Ama, Anak, Espirito Santo.

Papuri sa Ama, sa Anak, at sa Espirito Santo! Kapara noong sa una, ngayon, at magpasawalang hangan. Amen!

Aral 2: Ang (tunay)Iglesia ni Cristo

Catechism 811: This is the sole Church of Christ, which is the Creed we profess to be one, holy, catholic, and apostolic. These four characteristics, inseparably linked with each other.

Matthew 16:18 Jesus said "you are Peter, and upon this rock I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it."

The Church of Christ is ONE: we as the body of Christ share one common faith which comes from Holy Scripture. Christ is the head and we are His body. The body of Christ profess the same belief taught by Christ and His Apostles through the magisterium(bishops) of the Church. For two thousand years the Catholic faith has endured because it was founded by Christ himself, and not a religion fabricated by common man to suit his own agenda.

The Church of Christ is HOLY: united with Christ, the Church is sanctified by Him: through Him and with Him she becomes sanctifying. All the activities of the Church are directed to the sanctification of men in Christ and the glorification of God.

The Church of Christ is CATHOLIC: the word catholic means "universal." Where there is Christ, there is the Catholic Church. The church became catholic on the day of Pentecost, which we regard as the birth of the Church, when the Holy Spirit was sent forth. Christ commissioned the apostles to preach to all nations, therefore making the Church "universal." It is for this reason that the Church has sent missionaries to evangelize all nations since the early centuries.

The Church of Christ is APOSTOLIC: the Church is built on a lasting foundation: the twelve apostles of the Lamb (Rev 21:14). The Church is indestructible (Mt 16:18). The Church is upheld infallibly in the truth: Christ governs her through Peter(the popes) and the other apostles(the bishops). There is apostolic succession from the apostles to the bishops which has been continous for 2,000 years until the end of time.

Catechism 870: The sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one,holy,catholic,and apostolic subsists in the Catholic Church, which is governed by the successors of Peter(the pope) and by the bishops in communion with him.

Ito ang mga katangian ng Iglesia ni Cristo: siya ay IISA ng pananampalataya, siya ay BANAL dahil si Cristo ang kanyang manunubos, siya ay KATOLIKO dahil siya ay laganap sa buong daigdig ngunit bahagi pa rin ng katawan ni Kristo, at siya ay APOSTOLIKO dahil ang kanyang mga tagapamahala (mga obispo) ay may basbas mismo ni Kristo sa pamamagitan ng mga unang apostol.

Ang Simbahang Katolika ang Iglesia ni Kristo na tinutukoy sa Biblia. Wika ni Kristo sa Mateo 16:18 "ikaw Pedro ang bato, at sa batong ito itatag ko ang aking Iglesia. At ang kapangyarihan ng kamatayan kailan man ay hindi magwawagi dito."

Maraming relihiyon ang nagsasabing sila daw ang Iglesia ni Kristo. Pero buksan natin ang ating puso at isipan at tanungin... aling Iglesia ba ang nakasulat sa Biblia na itinatag ni Kristo mismo sa Mateo 16:18??? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang Iglesia ni Kristo na tinutukoy dito ay ang Iglesia Romana Katolika na dalawang libong taon na ang nakalilipas mula ng ito ay itatag ni Kristo sa pamamagitan ni San Pedro, ang unang Santo Papa.  Magalak tayo at tayo ay kaanib sa tunay na Iglesia ni Kristo! Purihin ang Diyos!

We are the BODY OF CHRIST - we are THE CHURCH - the BODY OF BELIEVERS!

Aral 3: Patungkol sa mga Imagen/Santo

Isa sa mga paratang ng ilang mga hiwalay nating kapatid ay sumasamba daw tayong mga katoliko sa mga santo at rebulto ng mga banal. Kadalasan ito ang nagiging dahilan kung bakit nalilinlang ang mga dating katoliko na umanib sa mga mapaglinlang na relihiyon na ito.

Bilang mga Kristiyanong Katoliko, dapat nating alamin ang tamang dahilan kung bakit tayo ay gumagamit ng mga imahen ng santo patungo sa buhay kabanalan.

Ito ang turo ng Simbahan tungkol dito: ang mga larawan, imahen, o mga rebulto ng Panginoong Hesus, ng Mahal na Birheng Maria, at ng mga santo at banal ay hindi dapat sambahin ng sinuman. Ang pagsamba(worship) ay karapatdapat lang ibigay  sa ating Panginoon at hindi sa anumang bagay  na nilikha ng tao. Ang Mahal na Birhen at ang mga santo ay mahigpit na ipinagbabawal na sambahin. Ang Mahal na Birhen at ang mga santo ay dapat bigyang galang(veneration) dahil sila ay mga huwaran ng kabanalan, ngunit hindi dapat sambahin. Ang pagbigay galang sa mga imahen at larawan ng mga santo ay pagbigay galang na din sa mga banal na isinasagisag nito. Ito ay hindi labag sa Unang Kautusan.

Ang ipinagbabawal sa Unang Utos ng Diyos ay ang pagsamba sa ibang diyos-diyosan. Laganap kasi noong unang panahon ang marami at ibat ibang mga diyos-diyosan.

Catechism 2130: In the Old Testament, God ordained and permitted the making of images that pointed symbolically toward salvation by the incarnate Word; so it was with the bronze serpent, the ark of the covenant, and the cherubim. Nakasulat sa aklat ng Exodo 25:18 lumikha ka ng dalawang cherubin(anghel) na gawa sa ginto para sa dalawang dulo ng tabernakulo. Ipinahintulot at iniutos ng Diyos na lumikha ang mga iskultor ng templo ng mga imahen na sumasagisag sa presencia ng Panginoon.

Catechism 2132: the honor given to an image passes to whom it represents and whoever venerates/honors an image venerates the person portrayed in it. the honor paid to a sacred image is a respectful veneration, not the adoration due to God alone.

Malinaw na pinahintulutan ng Diyos ang paglikha ng mga imahen kung ito ay nagdudulot ng kabanalan at kung ang larawan na ito ay para sa ikapagpupuri sa Diyos. Noong mga unang panahon kasi ng Kristiyanismo, hindi lahat ng tao ay marunong bumasa ng Biblia. Sa pamamagitan ng mga larawan, naiibahagi nila sa kapwa Kristiyano ang pananampalataya at ang mga aral sa Biblia.

The icons and images of Jesus and the saints are "windows to heaven." They are a reminder to us to be holy as they are holy. When you look and gaze at an image, you are inspired to be holy as well.

Ngayon bilang isang Katoliko, malinaw mo nang masasabing "hindi kami sumasamba sa mga santo. amin silang binibigyang galang dahil sila ay mga sagisag ng kabanalan na dapat tularan ng bawat isa sa ating mga makasalanan."

Aral 4: Ang Misyon ni Maria sa Simbahan

Catechism 967:By her complete adherence to the Father's will, to his Son's redemptive work, and to every prompting of the Holy Spirit, the Virgin Mary is the Church's model of FAITH and CHARITY. Thus she is an outstanding and wholly unique member of the Church.

Catechism 971: "All generations will call me blessed" -Magnificat. The Church rightly honors the Blessed Virgin Mary with special devotion. From the most ancient times she has been honored with the title "Theotokos" - Mother of God to whose protection the faithful fly in all their dangers and needs.

This special devotion to Mary is not to be confused with adoration and worship which is due to GOD ALONE. We honor Mary as the Mother of God, and a perfect Christian model above all the angels and saints. But we must all bear in mind that , she too, is a creature of God and not a god. As Christians we are to worship only God in the Blessed Trinity - and no other. Mary and the saints are never to be worshipped. Instead, they are to be given honor and reverence as perfect Christian models for us to follow.

Ang Mahal na Birheng Maria ay dapat lamang na bigyang galang. Bilang isang huwaran ng pananampalataya at pagsang-ayon sa kagustuhan ng Diyos. Si Maria ay naging masunurin sa Salita ng Diyos. Siya ay pinili ng Panginoon na maging unang Tabernakulo (tahanan ng Diyos) sa pamamagitan ng isang malinis at inmaculadang sinapupunan. Dahilan kung bakit siya ay ipinaglihing walang kasalanan.

Buong buhay ni Maria ay naugnay sa misyon ng ating Panginoong Hesukristo. Mula sa pagbalita ng angel Gabriel hangang sa paanan ng Krus. Sa unang milagro ni Hesus sa Kasalan sa Canaan, si Maria ay naging instrumento ng Diyos. Hindi matangihan ng Anak ang hiling ng Ina. Sa paghiling ng Mahal na Birhen kay Hesus patungkol sa nauubos ng alak, ipinadama ni Maria sa buong sanlibutan na "gawin ninyo ang pinasasabi Niya(Hesus)." Sa mga pagpapakita ng Mahal na Birhen sa modernong panahon tulad ng sa Fatima, Lourdes, at iba pang mga lugar , iisa ang kanyang mensahe "gawin ninyo ang pinasasabi Niya(Hesus). Isa siyang huwarang alagad ng Diyos... mapagkumbaba, masunurin, at puno ng pananampalataya.

Ave Maria gratia plena! Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus et benedictus fructus ventris tui Jesus. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis pecatoribus. Nunc et in hora mortis nostrae. Amen.

Dios te salve Maria llena tu eres de gracia! El Senor es contigo. Bendita tu eres entre todas las mujeres y bendita es el fruto de tu vientre Jesus. Santa Maria, Madre de Dios, ruega por nosotros pecadores ahorra y en la hora de nuestra muerte. Amen.

Aba ginoong Maria napupuno ka ng gracia. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen.